11-anyos na lalaki, tinadtad ng saksak dahil daw sa away sa Facebook

By on February 25, 2014


Dahil sa hinalang pag-hack sa Facebook account, isang binatilyo na 11-taong-gulang ang pinagsasaksak at namatay ng kaniya umanong sariling kaibigan.

Sa ulat ng GMA news “24 Oras” nitong Martes, sinabing natagpuan ang duguang bangkay ng biktimang si Mark Jericho Surio sa likod ng bahay nito sa Bulacan.

Nagtamo umano ng 46 na saksak sa katawan ang biktima.

Hinihinalang suspek sa krimen ang mismong kaibigan ng biktima na isang 16-anyos na lalaki.

Pinaniniwalaan na nagalit ang suspek dahil sa pag-aakalang hi-nack (hack) ng biktima ang kaniyang Facebook account.

Umaapela ang pamilya ni Surio na maparusahan ang suspek kahit  na menor de edad ito.